Friday, 25 July 2008

My Top Five Reasons of Break-Ups

By: Fascinating_ann



Break ups, broken relationships or end up commitments anything you wanna call it.


There are lot of reasons para mauwi sa break up ang isang relationship. I just want to share my top five reasons of break ups.

From my top 5, Problems with your partner's parents- In my point of view pang lima lang ito sa tingin kong magiging cause of break up, its so difficult to please the parents of your love one, im so thankful lang dahil hindi ko pa naencounter ang problem na to but i think it can be one of the problems, pero i can say din na minsan ito yung nagiging motivation ng isang relasyon to be stronger kse there's a saying na mas masarap ang bawal kya pag may nagbabawal sa inyo mas lalo lang tumitigas ang ulo natin and feeling natin against all odds and kayo lang dalawa ang mgkakampi kaya mas ipinipilit ang gusto nyo.

From my top 4, Miscommunication and misunderstanding- of course it is important in a good relationship, so kung wala yan simula na ng away and palitan ng masasakit na salita tapos nun tapos na ( ganda ng paliwanag noh? heheh), if there is lack of good communication mas mahirap maintindihan,mas mahirap unawain,mas mahirap arukin ng pag-iisip lalo na at malayo kayo sa isa't isa at hindi nkakapagusap na maayos, meron din naman mgkatabi na hindi din nman ng uusap because of pride dba? kaya its a matter of sharing and listening lang yun..pag yung isa ngshashare at ng oopen just listen at intindihin ang mga bagay bagay.

From my top 3, Freedom - sabi nila pag my commitment ka mawawala na yun freedom mo, siguro sa tingin ko its just a matter of giving yourself a limitations, of course pag may commitment ka you have to be aware sa feelings ng partner mo, you have to consider him/her sa mga decisions mo.May mga instances na nasasakal na ang isang tao sa sobrang kababawal ng partner nya in my case nagbabawal din naman ako pero npakalaking pero, yun eh kung ano lang din ang ipinagbabawal sken, ang lagay eh sya lang ang nagbabawal, ang sa akin lang eh para makaganti heheh joke! Sabi nga huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo kya kung anong ayaw mong ipagbawal sayo hwag mo din ipagbawal sa partner mo hehehe tama bako?pakicorrect nlng if may apila kayo.

From my top 2- Longdistance Relationship- oops dito ata yun criteria ko heheh! Madami ang nagsasabi na 2 is to 10 daw ang nkakalagpas sa ganitong klase ng relationship. Noon malimit akong maasar kase nga lage sinasabi sken na huwag nako magintay kase hindi na naman yun babalik at meron ng iba. Ako intay padin kse my trust ako sa kapartner ko but then after 5 years ng pagiintay (dandadadan!!!!) hindi na nga bumalik.Ayos lang mas naging strong nman ako dahil dun pero its not a hindrance para hindi nako magmahal ulit. In my own experience kadalasan ang sasabihin sayo nangulila(sana pinasamahan ko sa yaya), nalungkot( sana nanood nalang sya ng barney para sumaya sya, or mahirap ang buhay doon ( lalo naman dito). Napakadaming alibi sa buhay pero isa lang ang kinalabasan break na din kayo, in short walang nangyari sa pagiintay nagka-ugat na at lahat.

And my Top 1- Third Party- most common reason of break ups ito mga kapatid.Nabiktima din ako nito eh kaso wala akong kalaban laban malayo ako eh, pero ok lang kanya na yun (heheh). but still i dont have any right to judge lahat ng mga nagiging third party maaaring nabiktima lang din sila and walang kaalam alam sa mga nangyayari.Pero dun sa mga alam na nilang may tao silang masasaktan be considerate naman sa mga taong masasaktan nyo lalong lalo na yung may mga pananagutan na sa buhay, yung may mga pamilya na. Maaaring maging masaya kayo panandalian pero darating ang time na maghahangad kayo ng talagang para sa inyo. May mga instances naman na talagang gumagawa ng paraan para malipat sa kanila ang feelings ng isang tao, na gagawin ang lahat maagaw lang ang taong mahal laban sa karibal.Hindi ko din alam kung mas natutuwa sila sa ganun pero hindi ba nila naiisip na kung naagaw nila yun mula sa dating minamahal eh maaari din maagaw ng iba sa kanila. Nagawa nga nila dati bakit hindi nila magagawa ulit.
Kaya dun sa mga nag aattempt just think a hundred thousand times and think of the 5 letter word KARMA.

Kung may additional reasons pa kayo just feel free to share!!! ciao


2 comments:

Anonymous said...

This is great info to know.

Anonymous said...

Lahat halos yata yan nadanas ko😅😅😅 apaka epic fail ng lovelife ko😅😅😅by the way thanks sayong point of views and info..God bless you